Breaking the Habit
Matagal ko nang gustong tumigil na mag mura
Pero di ko magawa.
Pag nag iisip kasi ako may kasamang mura, so masyado ko nang na internalize ung mura at naging part na siya ng speech making process ng utak ko
Sa bahay bawal mag mura. 3 months of vacation = 3 months na walang pagmumura
Pero, pag balik ng school year nagmumura pa rin ako…
So medyo futile ang attempt ko na itigil to at ginawa ko na lang ang bagay na pinakagamagaling ako: Making Excuses, so here goes my pitch.
Kung ang tao ang gumawa ng mura tulad ng ‘Putangina mo’ o ‘Tarantado’ edi tao rin ang nag attach ng kasalanang kalakip nito. Edi ibig sabihin nito ang mura, kasalanan lang sa harap ng tao at hindi sa Diyos.
eh hindi naman tao ang nag dedetermine kung anu ang makasalanan at hindi makasalanan para sa Diyos.
Ibig sabihin tayo ang gumawa ng standard ng kasalanan, pero hindi naman ito applicable sa Diyos e.
Ang pinaka punto ko lang naman dito eh tinatanggal ko lang ang guilty feeling ng tao kung sa tingin nila nagkakasala sila habang sila ay nagmumura. O kaya ginawa ko lang ito para pampalubag loob ko lang :D